Pacquiao 14th sa top-paid athletes ng Forbes
June 7, 2013 | 1:48pm
MANILA, Philippines – Nasa pang-14 na puwesto ang Pilipino boxing superstar na si Manny Pacquiao sa listahan ng Forbes ng mga atletang may pinakamalalaking kita sa buong mundo.
Ayon sa ulat, umabot sa $34 milyon ang bayad kay Pacquiao noong 2012, taon kung kailan natalo siya ng magkasunod kay Timothy Bradley, at maging sa karibal na si Juan Manuel Marquez sa pang-apat nilang pagkikita.
Bumaba ang kita ni Pacquiao sa $26 milyon sa mga panalo at $8 milyon sa mga endorsements kaya naman katabla niya ang wala pang talo na si Floyd Mayweather.
Nanguna naman sa listahan ang kontrobersyal na golfer na si Tiger Woods na kumita ng $78.1 milyon mula sa mga prize money, endorsements, appearance fees at golf course design work.
Labing-isang taong hinawakan ni Woods ang top spot ng Forbes bago malaglag sa pangatlong puwesto noong 2012.
Nasa second spot naman ang tennis player na si Roger Federer at pangatlo ang basketbolista ng Los Angeles Lakers na si Kobe Bryant. Kumita noong nakaraang taon si Federer at Bryant ng $71.5 at $61.9 milyon, ayon sa pagkakasunod.
Pang-apat naman ang four-time NBA MVP at Miami Heat superstar LeBron James na may $5.9 milyon, habang ang Saints’ quarterback na si Drew Brees ang nasa panlima sa $51 milyon.
Umani naman ng $47.2 milyon ang football player na si David Beckham at ika-22 ang female tennis star na si Maria Sharapova na may $29 milyon.
Makikita ang kumpletong listahan sa website ng Forbes na http://www.forbes.com/athletes/list/
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 29, 2024 - 12:00am