Jinggoy tinawag na 'poor loosers' ang HK fans
June 7, 2013 | 10:00am
MANILA, Philippines – Tinawag na talunan ni Senador Jinggoy Estrada ang mga taga-Hong Kong matapos nilang daragin ang Philippine Azkals sa isang international friendly match nitong Martes.
"They are poor losers. That was only a football game tapos pagbabatuhin nila ang ating mga kababayan," pahayag ni Estrada.
Nakaranas umano ng diskriminasyon at pananakit ang Philippine football team at mga Pinoy fans mula sa mga taga-Hong Kong sa Mong Kok Stadium.
Ayon sa mga ulat, pinagbabato umano ng mga Hong Kong fans ng bote ng mineral water ang mga Pilipino na nanunuod ng laban pati mismo ang mga manlalaro.
“They threw trash at us and the players, shouted obscenities at the Filipino crowd that was mostly women and youngsters, called us slaves,†sabi ni Ida Torres, na naroon mismo sa stadium, sa kanyang Twitter account.
Kahit nakaranas nang panggugulo ay nagawa pa rin manalo ng Azkals sa iskor na 1-0.
Sinabi pa ni Estrada na dapat ay aksyonan ito ng konsulado ng Pilipinas.
"Dapat protektahan nila ang ating mga kababayan sa Hongkong. Hindi naman pwedeng basta-basta batuhin tayo ng bote ng mineral water. Hindi naman pwede 'yon," sabi ni Estrada.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended