Pol Medina ng Pugad Baboy naglabas ng sama ng loob sa FB
MANILA, Philippines – Inilabas ng kartunistang si Pol Medina Jr., may-akda ng Pugad Baboy, ang kanyang sama ng loob sa kanyang Facebook page matapos siyang sipain ng Philippine Daily Inquirer dahil sa kanyang kontrobersyal na comic strip.
Sinabi ni Medina na mayroong "consPIGracy," sa kanyang comic strip dahil aniya tinanggal lamang siya matapos itong pag-usapan sa social networking site na Twitter.
"If you zoom in on that particular strip that got me fired, you'll see that the strip first appeared in March. No reaction then," pahayag ni Medina.
Nag-post ng larawan si Medina upang ipakita na nilagdaan niya ang nasabing comic strip ng “PMJ 03-13†bilang palatandaan kung kailan niya ito ginawa.
"It was reissued after I made a series of of anti-Marcos strips, then BOOM! Nag-trending sa Twitter. Interesting. I smell a consPIGracy," dagdag ng kartunista.
Pinag-usapan ang kanyang nilikhang comic strip nang talakayin doon na tinatanggap ng pamunuan ng all girls school na pinatatakbo ng mga Katoiliko ang pagiging lesbian o tibo sa kanilang paaralan.
Nakakuha naman ng suporta si Medina sa komedyante at musikero na si Gabe Mercado na nagkomento sa kanyang facebook post.
"PDI decided to fire Pol Medina Jr. and end the Pugad Baboy series. This makes me really upset. A consPIGracy indeed," sabi ni Mercado.
Nag-trending pa ang “Pugad Baboy†sa Twitter ngayong umaga matapos kumalat ang balitang tinanggal na ng PDI ang comic strip ni Medina.
- Latest
- Trending