Pagsiyasat sa Cebu Pac mishap itinutulak
MANILA, Philippines – Nais ng isang mambabatas mula Davao na imbestigahan ng Kongreso ang pagsadsad ng eroplano ng Cebu Pacific sa runway ng Davao International Airport.
Naghayin si Davao City Rep. Mylene Garcia-Albano ng House Resolution 3056, na naglalayong siyasatin ang insidente na umano’y nagdulot ng “disturbing effects†sa kaligtasan ng pagbiyahe at negosyo sa lugar.
"This inquiry should review the existing aviation safety rules and regulations and emergency preparedness and response of Cebu Pacific Airlines in particular, the Davao International Airport and the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)," sabi ni Garcia-Albano.
Alam ni Albano na tapos na ang 15th Congress at aniya muli niyang ihahayin ito sa pagbubukas ng kongreso sa Hulyo.
Sumadsad ang harapang bahagi ng Cebu Pacific Flight 5J-971 matapos nitong mag-landing kasabay ng matinding buhos ng ulan noong Linggo.
Sinabi ni Albano na palpak ang emergency response system ng paliparan, mga tauhan ng airline, crew ng eroplano at ground staff nito.
Sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na aabot sa P250 milyon ang nawalang halaga ng kita ng lungsod matapos makansela ng dalawang araw ang mga flights at nang ma-stranded ang libu-libong pasahero.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng CAAP na pilot error ang naging sanhi ng insidente.
"There is a saying that evidence does not lie. We have now evidence that points to possible human factor. In other words, [it] may be pilot error," pahayag ni CAAP Deputy Director General John Andrews sa isang press briefing nitong Martes.
Aniya makukumpirma ito ngayong araw pagkatapos madala ang flight data recorder sa Singapore upang imbestigahan.
- Latest
- Trending















