^

Balita Ngayon

Libreng edukasyon sa katutubo, may kapansanan nais ng Ifugao solon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nais ng isang mambabatas na tulungan ang mga katutubong Pilipino at mga may kapansanan sa pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) sa susunod na kongreso.

Nangako si Ifugao representative Teodoro Baguilat Jr. na makikipatulungan siya sa DepEd upang matugunan ang mga problema lalo na sa mga liblib na lugar ng bansa.

Ayon sa kagawaran, mayroong tatlong milyong kabataan ang hindi nakakapasok sa paaralan kahit pa may lumalagong bilang ng pampublikong paaralan at guro bawat taon.

“I am sure that many of these children who are unable to go to school are IPs and PWDs, the most left behind and marginalized sectors in our society,” pahayag ni Baguilat, na kasalukuyang chairperson ng House committee on National Cultural Communities.

Mula noong nakaraang taon ay mayroong 20.7 milyon na kabataan ang pumasok sa pampulikong paaralan, dagdag ng DepEd.

Aabot naman sa 34,131 ang kakulangan sa sild-aralan, habang 61,500 na guro naman ang kailangan pa.

Sinabi ni Baguilat na malaki rin ang kakulangan sa pasilidad ng edukasyon  sa mga liblib na lugar kung saan nakatira ang mga katutubo kaya naman nananatili sa baba ng lipunan.

Aniya nais niyang tulungan ang DepEd na makapagpadala ng karagdagang mga guro at silid-aralan sa mga liblib na lugar tulad sa mga Dumagat ng Sierra Madre at mga Mamanwa ng Palawan.

“Also, when Secretary Luistro signed the IP education framework, among the thrusts was to craft a curriculum that would be appropriate to the cultural practices, traditions and innate knowledge of the IPs," sabi ni Baguilat.

Sabi pa ni Baguilat na nais din niyang tulugan ang DepEd na makakuha ng mas malakiing pondo sa 2014.

Dagdag niya na maghahayin siya ng panukala na bubuhayin ang national scholarship programs para sa mga katutubo at utusan ang state universities na ibigay ang 10 porsiyento ng kanilang pondo.

“The University of the Philippines, for example, should have more IP students. But sadly, its socialized tuition fee scheme that allows poorer students to avoid paying any tuition makes it hard for IPs to cope with the requirements. There are just too many documents being asked of them,”  banggi ni Baguilat na nagtapos din sa UP.

vuukle comment

AABOT

ANIYA

BAGUILAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

NATIONAL CULTURAL COMMUNITIES

SECRETARY LUISTRO

SIERRA MADRE

TEODORO BAGUILAT JR.

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with