^

Balita Ngayon

19 bahay wasak sa buhawi sa Zamboanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 19 na kabahayan ang nasira sa panalasa ang isang buhawi sa isang barangay sa bayan ng San Pablo, Zamboanga del Sur, ayon pulisya ngayong Biyernes.

Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), winasak ng buhawi ang mga bahay na gawa sa light materials sa Barangay Marcos Village bandang 5:30 ng hapon nitong Miyerkules.

May 100 pamilya aniya ang naapektuhan ng buhawi, pero wala naman sa kanila ang nasugatan.

Hindi pa matukoy ng lokal na gobyerno ang halaga ng mga nasirang ari-arian sa lugar.

Samantala, nanalasa naman ang flashflood sa Sitio Timulan, Barangay Nazareth sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay kahapon ng umaga dahil sa matinding buhos ng ulan.

Sinira ng flashflood ang mga kabahayn at pananamin sa lugar.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY MARCOS VILLAGE

BARANGAY NAZARETH

BIYERNES

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

KABASALAN

POLICE REGIONAL OFFICE

SAN PABLO

SITIO TIMULAN

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with