^

Balita Ngayon

Preliminary conference sa RH Law debate sa Hunyo 6 na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinakda na ng Korte Suprema ang preliminary conference sa susunod na linggo kung saan pag-uusapan kung ano ang mga paksang dapat maging sentro ng debate sa kontrobersyal na Reproductive Health Law (RH Law).

Iniutos ni SC Clerk of Court Enriqueta Vidal sa isang pitong-pahinang abiso na kailangang dumalo ang mga may kinalaman sa isyu sa preliminary conference sa Hunyo 6, alas-2 ng hapon.

"Whereas, there is need to schedule a preliminary conference with the counsels of the parties to determine and/or identify the pertinent issues raised by the parties involved and the respective order by which these issues are to be discussed in the forthcoming oral arguments," nakasaad sa abiso.

Kailangang maghayin ng manipestasyon ang mga nagpetisyon na hindi makakadalo sa oral arguments na gaganapin sa Hunyo 18.

Gaganapin ang preliminary conference sa pampitong palapag ng Justices’ Lounge sa New Supreme Court building sa Maynila.

Noong Marso 19 ay ipinatigil ng mataas na hukuman ang pagpapatupad ng RH Law matapos nilang maglabas ng status quo ante order laban sa kontrobersyal na batas.

Sa botong 10-5 ay ipinatigil ng mataas na hukuman ang pagpapatupad ng RH Law ng apat na buwan o 120 araw.

May 11 petisyon na ang naihayin laban sa RH Law sa Korte Suprema at ang pinakahuli rito ay isinampa nito lamang Miyerkules ng grupong Society of Catholic Social Scientists.

CLERK OF COURT ENRIQUETA VIDAL

GAGANAPIN

HUNYO

INIUTOS

ITINAKDA

KORTE SUPREMA

NEW SUPREME COURT

NOONG MARSO

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

SOCIETY OF CATHOLIC SOCIAL SCIENTISTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with