^

Balita Ngayon

Doktor at kanyang asawa patay sa pananambang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang doktor at asawa nito matapos tambangan sa Bauang, La Union nitong Miyerkules ng gabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Mario Valera, 50 at asawang si Viana, 48.

Pinagbabaril ang mag-asawa habang sakay ng kanilang Mitsubishi Montero na may plakang NOE 518 sa national highway sa Barangay Acao bandang 7:40 ng gabi.

Namatay ang mag-asawa habang ginagamot sa Ilocos Regional Training and Medical Center sa lungsod ng San Fernando.

Sakay ng motorsiklo ang mga suspek at mukhang mga gun-for-hire dahil sa paraan ng pamamaslang, ayon sa pulisya base sa salaysay ng mga testigo.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pananambang.

vuukle comment

BARANGAY ACAO

BAUANG

ILOCOS REGIONAL TRAINING AND MEDICAL CENTER

INAALAM

LA UNION

MARIO VALERA

MITSUBISHI MONTERO

MIYERKULES

NAKILALA

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with