Vietnamese, Koreans ilegal ding nangingisda sa Batanes
MANILA, Philippines - Hindi lamang mga Taiwanese ang mga dayuhang mangingisda ang pumapasok ng ilegal sa hilagang teritoryo ng bansa, ayon sa isang lokal na opisyal ng Batanes.
Sinabi ni Batanes Gov. Vicente Gato na matagal na nilang problema ang ilegal na pagpasok ng mga Vietnamese at mga Koreano sa Batanes Group of Islands.
"They are not necessarily Taiwanese, but also Vietnamese, Koreans and other fishing boats. Isn't it fair that we are only accusing the Taiwanese?" pahayag ni Gato sa isang panayam sa radyo ngayong Miyerkules.
Dagdag niya ba nagpapakalat sila ng mga maliliit na sasakyang pandagat upang hulihin ang mga poaching vessels ngunit mas malalaki at mabibilis ang mga ito.
Aniya may nahuli nang isang Koreano ang Philippine Navy noong nakaraan ngunit pinalaya lamang din ito.
Sinabi pa ni Gato na ang kontorbersyal na pagkakabaril sa isang Taiwanese na mangingisda na nagresulta sa tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan ay hindi mismo nangyari sa coastal area ng Batanes.
"The conflict with the Taiwanese that was said to have been shot dead by the (Philippine) Coast Guard was not within the area of responsibility of Batanes, it was off Cagayan," paliwanag ni Gato.
Samantala, namataan naman ang mga Chinese fishing vessels sa Ayungin Shoal, parte ng pinag-aagawang Spratly Islands sa kanlurang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin kahapon na magiging mahinahon ang gobyerno sa mga hakbang upang maayos ang mga problema.
- Latest
- Trending