^

Balita Ngayon

Aga Muhlach talo sa Camsur

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bigo ang aktor na si Ariel "Aga" Muhlach na pamunuan ang ikaapat na distrito ng Camarines Sur matapos siyang matalo sa dikitang labanan sa eleksyon.

Idineklarang kinatawan ng distrito ang karibal ni Muhlach na si Felix William  "Wimpy" Fuentebella matapos nitong makakuha ng 82,834 na boto.

Halos tatlong libong boto lamang ang lamang ni Fuentebella sa dating matinee idol na si Muhlach na nakakuha ng 80,629 na boto.

Sumugod sa munisipyo ng Tigaon ang mga tagasuporta ni Muhlach matapos malaman na natalo ang kanilang manok kaya naman napilitan ang mga awtoridad na isara ang munisipyo.

Inakusahan ng dalawang panig ang isa’t isa na nandaya sa kakatapos lamang na eleksyon nitong Lunes kaya nama namuo ang tensyon sa lugar.

Iginigiit ni Muhlach na ang ilang boto para sakanya ay hindi nabilang matapos itong maideklarang invalid, habang sinasabi ni Fuentabella na inaangkin ng aktor ang programang conditional cash transfer program ng Department of Social Welfare and Development.

vuukle comment

BIGO

CAMARINES SUR

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FELIX WILLIAM

FUENTABELLA

FUENTEBELLA

IDINEKLARANG

IGINIGIIT

INAKUSAHAN

MUHLACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with