Bomba nakuha sa resort sa Zamboanga
MANILA, Philippines – Natuklasan ng mga pulis ang isang improvised explosive device sa isang resort sa bayan ng Buug sa Zamboanga Sibugay, ayon sa isang opisyal ngayong Miyerkules.
Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Police Regional Office 9 (PRO), bandang 9 ng umaga nitong Martes nakita ang bomba na nakapaloob sa isang plastic na gallon ang bomba at itinanim sa harap ng Inland Resort sa kalye ng Magsaysay sa Purok 24, Barangay Poblacion.
Napansin ang kahina-hinalang gallon ng isang security personel ng resort kaya naman inilagay niya ito sa tapunan nila ng basura bago tinawagan ang mga pulis.
Dinisarmahan naman ito kaagad ng mga rumespondeng bomb disposal teams ng pulisya.
Sinabi ni Huesca na gawa ang IED sa improvised time fuse, non-electric blasting cap, pako at ammonium nitrate fuel oil.
Inaalam pa rin ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagtatanim ng bomba.
- Latest
- Trending