Sanggol patay sa granada sa North Cotabato
MANILA, Philippines – Utas ang pitong-buwang sanggol habang sugatan ang kanyang ina nang masabugan sila ng granada sa Kabacan, North Cotabato nitong Miyerkules ng umaga.
Namatay ang sanggol na si Chelyz Eliarda dahil sa mga tama ng shrapnel sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.
Kaagad namang isinugod sa ospital ang ina ng bata na si Sohaina Eliarda.
Sa harap ng bahay ng mga biktima inihagis ang granada ng hindi pa mga lalaki na sakay ng motorsiklo.
Ito na ang pangalawang pagsabog sa Kabacan mula nitong Lunes.
Nagpasabog ng Mark II fragmentation grenade ang hindi pa nakikilalang mga suspek sa Kabacan Central Pilot School sa kasagsagan ng halalan nitong Lunes.
Wala namang naiulat na nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residenteng bumoboto.
Isang oras din naantala ang botohan dahil sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending