^

Balita Ngayon

Hazard pay hilling pa rin ng unyon ng Comelec

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tapos na ang halalan pero nananawagan pa rin ang mga empleyado ng Commission on Elections ngayong Martes na bigyan sila ng hazard pay kasunod ng mga insidenteng pananakit sa kanilang mga miyembro nitong Lunes.

Dahil sa sunud-sunod na naiulat na mga insidente ng pananakit at pananakot sa mga tauhan ng Comelec bago at pagkatapos ng eleksyon, nais ng Comelec-Employees Union na protektahan ang lahat ng tauhan ng poll body at ibigay na ang matagal nilang inaasam na hazard pay.

Sinabi ng grupo na nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pananakit sa mga election officials at empleyado ng Comelec ngayong panahon ng mid-term elections.

Ilan lamang dito ay ang pananambang sa convoy ng Comelec na nagdala ng precinct count optical scan machines sa lungsod ng Tabuk Kalinga noong Mayo 9; pag-atake sa bahay ni Gabaldon, Nueva Ecija election officer Mar Astrera ng hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan noong gabi ng Mayo 11; ang pananakot at pagbabanta kay election assistant Caharoden Baroba ng Lumbayanague Lanao del Sur na pinigilan na ilipat ang mga poll paraphernalia sa provincial canvassing center noong Mayo 13.

CAHARODEN BAROBA

COMELEC

COMELEC-EMPLOYEES UNION

DAHIL

GABALDON

LUMBAYANAGUE LANAO

MAR ASTRERA

NUEVA ECIJA

TABUK KALINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with