^

Balita Ngayon

Lim, Erap bumoto na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakaboto na ang dalawang magkaribal sa puwesto sa pagkaalkalde sa Maynila ngayong Lunes ng umaga.

Bandang 8:30 ng umaga tumungo sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo si Re-electionist Alfredo Lim upang bumoto.

Suot ang dilaw na polo at pantalon, bumoto si Lim kasama ang kanyang running mate at aktor na si Lou Veloso na tumatakbo sa pagka bise-alkalde ng lungsod.

Samantala, sa Padre Burgos Elementary School sa Sta. Mesa, Manila naman bumoto ang katunggali ni Lim na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Kasamang bumoto ni Estrada, na nakasuot ng puting polo at orange jacket, ang kanyang may bahay na si dating senador Luisa Estrada at running mate nitong si Isko Moreno bandang 9:35 ng umaga.

Matatandaan na naging mainit ang bakbakan ng dating magkaibigan para sa pagkaalkalde sa Maynila kung saan sunod-sunod ang batuhan nila ng patutsada sa isa’t isa.

vuukle comment

ALFREDO LIM

BANDANG

ISKO MORENO

KASAMANG

LOU VELOSO

LUISA ESTRADA

MAYNILA

PADRE BURGOS ELEMENTARY SCHOOL

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

ROSAURO ALMARIO ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with