Navy tumangging may pinaslang na Taiwanese sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines - Pinapaimbestigahan ng Taiwan sa Pilipinas ang pagkamatay ng 65-taong-gulang na Taiwanese na mangingisda sa West Philippine Sea.
Si mismong President Ma Ying-jeou pa ang himungi ng imbestigasyon nitong Huwebes ilang oras matapos ang insidente sa Bashi Strait sa kalagitnaan ng katimugang Taiwan at Hilagang Pilipinas.
Pinabulaanan naman ng Philippine Navy na may kinalaman ang mga tauhan nito sa insidente.
Samantala, sinuportahan ng Chinese Foreign Ministry sa Beijing ang panawagan ng Taiwan na magsagawa ng imbestigasyon ang Pilipinas sa insidente.
Palaging kinakampihan ng China ang Taiwan kontra sa ibang bansa pag dating sa sa pag-aagawan sa silangan at timog-silangan ng South China Sea, ngunit hindi ito tinatanggap ng Taiwan.
Nagkahiwalay ang Taiwan at China dahil sa civil war noong 1949.
- Latest
- Trending