^

Balita Ngayon

Situation Monitoring Room binuksan ng PNP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binuksan na ng Philippine National Police ngayong Miyerkules ang monitoring center para sa eleksyon sa Mayo 13.

Pinangunahan ni  PNP Chief director general Alan Purisima ang pagbubukas ng National Elections Monitoring Action Center na may mga makabagong kagamitan upang masiguro ang seguridad ng bansa bago at pagkatapos ng eleksyon.

Kasunod ng pagbubukas ng 24/7 Media Center Operations, sinisigurado ng monitoring center na matututukan ng PNP national headquarters sa Camp Crame sa lungsod ng Quezon ang bawat operasyon ng kapulisan at maitatala ang mga insidenteng may kinalaman sa eleksyon.

Mayroong video wall system ang Situation Monitoring Room upang madaling makita ang bawat sitwasyon at madaling rumesponde sa oras ng pangangailangan.

ALAN PURISIMA

BINUKSAN

CAMP CRAME

KASUNOD

MAYROONG

MEDIA CENTER OPERATIONS

MIYERKULES

NATIONAL ELECTIONS MONITORING ACTION CENTER

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SITUATION MONITORING ROOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with