^

Balita Ngayon

Grupo: Pabalikin sa puwesto ang pinatalsik na government worker

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng isang grupo ng mga empleyado ng gobyerno ang kanilang pagsuporta sa pinatalsik na Antique provincial government worker na nag-hunger strike upang iprotesta ang pagtanggal sa kanya.

Naghayag ng suporta ang grupong Courage kay Eric Otayde, na provincial information officer ng Antique na nasa pang-anim na araw na ng kanyang hunger strike.

Nanawagan si Courage national president Ferdinand Gaite sa lokal na gobyerno ng Antique na isantabi muna ang pulitika at respetuhin ang karapatan ng mga ordinaryong empleyado.

"We appeal to the Antique government to set aside politics and respect the rights of the government employees. Reinstate Otayde now. They have nothing to lose but more to gain -  the respect of the employees," sabi ni Gaite.

Sinibak sa puwesto si Otayde ni Governor Exequiel Javier noong Agosto 2010 dahil sa umano'y co-terminous ang pagkakatalaga nito sa pagtatapos ng termino ni Governor Salvacion Zaldivar-Perez.

Sinabi ng Civil Service Commission na ilegal ang pagpapatalsik kay Otayde, pero kinwestiyon ito ni Javier sa Court of Appeals.

"This is the trouble with local politics and patronage system. It is always the government employees who have to suffer the wrath of the squabbling political rivals," sabi ni Gaite.

"The politicians will bring their own hordes of supporters to the office and often get back at the ordinary workers by replacing them for their supposed loyalty to the outgoing officials. Even mere association is considered disloyalty," dagdag ni Gaite.

AGOSTO

CIVIL SERVICE COMMISSION

COURT OF APPEALS

ERIC OTAYDE

FERDINAND GAITE

GOVERNOR EXEQUIEL JAVIER

GOVERNOR SALVACION ZALDIVAR-PEREZ

INIHAYAG

OTAYDE

REINSTATE OTAYDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with