^

Balita Ngayon

Mga taga-Makati libre na sa Heart Center

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumagda ang lokal na pamahalaan ng Makati ng kasunduan sa Philippine Heart Center (PHC) upang bigyan ng libreng pagpapagamot ang mga residente ng lungsod gayundin ang mga empleyado ng gobyerno na nakatalaga sa central business district ng bansa.

Sa nilagdaang memorandum of agreement nina Makati Mayor Jejomar Erwin Binay at PHC Medical Director Dr. Manuel Chua Chiaco, maaari nang tumungo ng PHC ang mga benipesyaryo ng Makati Health Plus Program (Yellow Card) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang magpagamot.

Pero maaari lamang tumungo ang mga benipesyaryo ng programa sa PHC kung hindi kaya ng kapasidad ng Ospital ng Makati ang mga ipapagamot.

Sinabi ni Binay na sa ilalim ng kasunduan, ang lokal na pamahalaan ng Makati ang magbabayad sa bawat transakasyon ng mga Yellow card at Philhealth card holders na binigyan ng Letter of Authority (LOA) na may lagda ng OsMak Medical Director at ni Binay.

“We are glad that we have firmed up this agreement with PHC and we are thankful to its management, led by Dr. Manuel Chua Chiaco, Medical Director, for their cooperation and support to our goal of ‘seamless health care delivery’ for the people of Makati,” pahayag ni Binay na sinimulang ipatupad ang programa nitong Abril 17.

Dagdag ng alkalde na parte ang kasunduan ng kanilang programa na mapalawig ang kanilang programa pangkalusugan para sa mga residente, nahalal na opisyal ng lungsod at ng mga baranggay kabilang ang kanilang mga kamag-anak, empleyado ng lungsod, at Makati-based national government workers.

“Partnerships with key medical institutions, such as Philippine Heart Center and Makati Medical Center, enable our constituents and stakeholders to enjoy the optimum benefits of universal health insurance,” ani Binay.

Sa ilalim ng kasunduan na isang taon bago napatupad, ang isang pasyente na sinuri ng Cardiac Specialist sa OsMak ay ieendorso sa PHC kung kinakailangan.

Sa kaso ng emergency, isang provisional LOA na may lagda ng Medical Director ng OsMak o ng assistant Assistants to the Medical Director ang maaaring gamitin upang mailipat ang pasiyente sa PHC.

Bukod sa mga benipesyaryo ng Makati Health Plus Program, kabilang din ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan at kanilang mga kamag-anak (asawa, menor de edad na anak, at magulang).

Pasok din sa programa ang national government employees, tulad ng Makati City police, bumbero, guro, huwes, piskal, pati na rin ang mga nahalal na mga opisyal ng lungsod at ng mga baranggay.

BINAY

CARDIAC SPECIALIST

DR. MANUEL CHUA CHIACO

LETTER OF AUTHORITY

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI HEALTH PLUS PROGRAM

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN BINAY

MEDICAL DIRECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with