^

Balita Ngayon

OFW, nasawi sa Phl half-way house sa Jeddah - grupo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang overseas Filipino worker na humihiling sa konsulado ng Pilipinas sa Jeddah na mapauwi ang nasawi noong kamakalawa, ayon sa migrant workers' rights group.

Base sa mga ulat ng kanyang kasamahan sa Jeddah, sinabi ni Migrante-Middle East regional coordinator John Monterona na nasawi ang taga-Sorsogon na si Danilo Grefadilyo sa loob ng gusali ng konsulado ng Pilipinas kung nasaan ang Filipino Workers’ Resource Center.

Pero dagdag ni Monterona na kinukumpirma pa nila ang ulat mula sa konsulado ng Pilipinas at sa mga opisyal ng Department of Labor.

"His exact age can’t be known yet as of this posting, but it is believed that he is more than 60 years old," pahayag ni Monterona base sa mga ulat ng kasamahan niya sa Jeddah kung saan 2,500 stranded na OFW ang nagkampo at naninirahan sa labas ng konsulado mula noong Abril 10.

Aniya ay may ulcer ang nasawing OFW na si Grefadilyo.

Unang dinala si Grefadilyo sa isang ospital sa Jeddah, sabi ni Monterona, pero inilipat din ito sa ward section ng Filipino Workers Resource Center bago kumalat ang balitang namatay na ito.

"His case should be treated an emergency situation. He should be confined in a hospital to attend health condition while attending his repatriation formalities," sabi ni Monterona.

Dagdag ni Monterona na hindi ito ang unang kaso ng nasawing OFW.

Noong Setyembre 18, 2012 ay nasawi ang 72-anyos na si Mateo Amaro na taga-lungsod ng Caloocan matapos ang tatlong linggong pagkakaratay nito sa King Fahad Hospital at pakikipaglaban sa stage 3 tuberculosis.

Anim na buwan bago naiuwi at naibigay sa mga kamag-anak ang bangkay ni Mateo.

"These incidents show Philippine government's gross neglect, which is tantamount to criminal neglect, in providing assistance to distressed and stranded OFWs whom the government hails as ‘modern heroes’," sabi ni Monterona.

DANILO GREFADILYO

DEPARTMENT OF LABOR

FILIPINO WORKERS

FILIPINO WORKERS RESOURCE CENTER

GREFADILYO

JEDDAH

JOHN MONTERONA

KING FAHAD HOSPITAL

MONTERONA

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with