LP lider sa Abra itinumba
MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang isang lokal na lider ng Liberal Party sa bayan ng Dolores, Abra nitong Sabado, ayon sa pulisya.
Pinangalanan ni Chief Superintendent Benjamin Magalong, direktor ng Cordillera regional police office, ang biktimang si Tirso Talledo, 32, ng Barangay Libtec sa Dolores.
Sinabi ni Magalong na papauwi na si Talledo nang pagbabarilin siya ng apat na armadong lalaki sa Cabaroan-Libtec Road noong Sabado ng umaga.
Nasamsam ng mga imbestigador ang basyo ng bala ng .45 pistol at 9mm pistol sa pinangyarihan ng insidente.
Dagdag ni Magalong na naaresto sa isinagawang operasyon ang isa sa apat na suspek at nabawi ang dalawang motorsiklong ginamit sa pananambang.
Hindi naman ibinigay ni Magalong ang pangalan ng suspek na umanoy tauhan ng isang tumatakbo sa pagkaalkalde ng Dolores.
“We just received information that one of the suspects tried to kill the local Liberal Party leader in 2010, but failed,†sabi ni Magalong.
Aniya base sa ebidensya ay may kinalaman sa pulitika ang pananambang kay Talledo.
Sinabi pa ni Magalong na inutusan na niya si Abra police provincial director Benjamin Lusad na alamin ang motibo sa krimen.
- Latest
- Trending