MILF umangal sa operasyon ng AFP sa Basilan
MANILA, Philippines - Inakusahan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayong Lunes ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng paglabag sa tigil-putukang usapan ilang araw matapos ang 37th round ng usapang pangkayapaan ng magkabilang panig sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sinabi ng MILF na 40 sundalo ng Philippine Army ang umatake ngayong umaga sa Sitio Badja Maluha, Barangay Baguindan, sa Tipo-Tipo, Basilan.
“Firefight ensued for nearly 30 minutes between the MILF forces under Ustaz Hamzah Sapanton, Provincial Committee Chairman, and the raiding government forces numbering to more or less 40 men,†sabi ni Abbas Salung, miyembro ng MILF ceasefire committee.
Ayon kay Salung, tapos na ang putukan pero hinihiling nila sa gobyerno na magsagawa ng imbestigasyon upang hindi na ito maulit pa.
“The encounter had already ceased but actions must be undertaken by the government to avoid recurrence of the firefight between the government and MILF forces,†dagdag ni Salung.
Aniya, nagkaroon ng bahid ang sinseridad ng gobyerno sa usapang pangkayapaan dahil sa naganap na pagsalakay.
“Clearly there is a deliberate act to undermine the ceasefire and the peace talks between the government and MILF, which only compounds the increasing doubts of the public over the sincerity of the government in the peace process,†sabi ni Sapanton sa pahayag.
Naiulat na ang insidente sa kampo ng MILF sa camp Darapanan sa Maguindanao kaya naman hiniling ng pamunuan ng grupo na maghayin ng reklamo ang kanilang ceasefire panel dahil sa paglabag sa usapan.
Nangyari ang insidente apat na araw matapos makumpleto ng gobyerno at ng MILF ang kanilang 37th formal exploratory talks sa Kuala Lumpir, Malaysia.
Napagkasunduan ng dalawang grupo sa pagpupulong ang isyu sa power-sharing, wealth sharing and normalization. Inaprubahan din nila ang terms of reference para sa Sajahatra Bangsamoro na programa upang ma-promote ang pagbabago sa Mindanao.
Kamakailan lamang ay iniulat ng MILF at ng gobyerno na walang nangyaring engkwentro sa pagitan nila dahil sa pagpapatupad ng tigil putukan.
Kinumpirma ni Col. Carlito Galvez, commander ng 104th Brigade ng Philippine Army, na may ginawa silang operasyon sa lugar ngunit hindi mga miyembro ng MILF ang pakay nila kundi mga miyembro ng bandidong Abu Sayyaf.
Sinabi pa ni Galvez na base sa mga ulat na natanggap nila, may walong miyembro ng Abu Sayyaf ang napaslang ng mga sundalo sa engkuwentro.
Binanggit naman ni Armed Forces Western Mindanao Command spokesman Col. Rodrigo Gregorio na ang nakasagupa ng mga sundalo sa Barangay Silangkun, malapit lamang sa Baguindan, ay mga tauhan nina Abu Sayyaf leaders Isnilon Hapilon at Furuji Indama.
Naganap aniya ang sagupaan bandang 5:30 ng madaling araw.
“We would like to emphasize that the operation was conducted and directed only against the Abu Sayyaf terrorists with utmost consideration on the safety of MILF communities in the operational area,†ani Galvez.
- Latest
- Trending