^

Balita Ngayon

Pagkamatay ng mountaineer sa Batangas, aksidente

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang foul play sa pagkamatay ng isang mountaineer sa Mt. Maculot sa Batangas, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Lunes.

Ang pahayag ng PNP ay base sa resulta ng post-mortem investigation ng Crime Laboratory sa narekober na katawan ni Victor Joel Ayson sa may ilog ng Cuenca, Batangas.

Naiulat na nawawala si Ayson noon pang Kuwaresma matapos umakyat sa Mt. Maculot.

Sinabi ng medico-legal examiners na naaagnas na ang katawan ng 27-anyos na biktima nang kanilang mabawi.

Nakita rin nila na nagtamo ng mga bali sa panga, sa itaas ng ribs at pelvis si Ayson bukod pa sa iba pang tama sa katawan na malamang ay sanhi ng pagkakahulog niya mula sa isang mataas na lugar, ayon sa pulisya.

Suot ng biktima ang itim na sapatos, pantalon at T-shirt na may na kalagy na "Mind over Mountain."

Huling nakitang may buhay ang biktima noong Pasko ng Pagkabuhay matapos bumili ng tubig sa may paanan ng bundok.

AYSON

BATANGAS

CRIME LABORATORY

CUENCA

HULING

KUWARESMA

MT. MACULOT

NAIULAT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

VICTOR JOEL AYSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with