Pagbuwag sa BoC suportado ng mga mambabatas
MANILA, Philippines - Suportado ng ilang mambabatas ang panukalang buwagin ang Bureau of Customs (BoC) at palitan ng pribadong institusyon upang matanggal ang katiwalian at tuluyang matanggal ang smuggling.
Sinabi ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo na naniniwala siya sa privatization sa ilang kawanihan ng gobyerno upang maging maayos ito.
“This is a proposal that requires thorough studies and careful evaluation. It can turn custom functions upside down but is worth exploring. We have to keep an open mind,†pahayag ni Castelo.
Pero naniniwala naman si Gabriela partylist representative Luzviminda Ilagan na hindi solusyon ang pagbubuwag at pagpapalit sa BoC.
“The corruption in the customs is already an urban legend. It is systemic,†sabi ni Ilagan.
Dagdag ng kongresista na ang tanging paraan upang malinis ang BoC ay tanggalin ang mga matatagal na sa puwesto at magtalaga ng mga tapat na empleyado.
Sinabi rin ni Ilagan na dapat ay tutukan itong mabuti ni Pangulong Benigno Aquino III kung talagang nais niyang matupad ang "tuwid na daan" niyang pangako.
“If he continues to see no evil, hear no evil or speak no evil about this agency, he should stop mouthing his tuwid na daan and get down to work,†ani Ilagan.
Laman ng balita ang BoC nitong mga nakaraang araw dahil sa talamak na nakawan ng langis at produktong agrikultura na nagreresulta sa bilyung-bilyong pagkalugi ng gobyerno.
Marami rin ang nananawagan sa pagbibitiw sa puwesto ni Customs Commissioner Rozzano Rufino Biazon dahil sa umano'y kapalkalan nitong mapigilan ang nakawan.
Sa isang ulat, iminungkahi ni Biazon ang pagbabasura sa BoC upang matanggal ang mga korap na opisyal at empleyado.
Ayon pa sa ulat, nagkaroon na ng inisyal na pag-uusap si Biazon kay Aquino tungkol sa kanyang mungkahi upang malinis ang kawanihan.
- Latest
- Trending