Akap Bata partylist: 16 bata patay dahil sa Oplan Bayanihan
MANILA, Philippines – Sinabi ng Akap Bata ngayong Huwebes na 16 na bata ang nasawi sa ilalim ng administrasyon Aquino mula nang ipatupad ang Oplan Bayanihan.
Ayon sa pinuno ng grupo na si Lean Peace Flores, ang naturang bilang ay mula sa mga datos na nakalap nila simula noong 2012.
Dagdag ni Flores na ang pinakabagong insidente ng karahasan laban sa mga kabataan ay naganap sa Mabini, Compostela Valley kung saan namaril umano ang mga sundalo mula sa 71st Infantry Battalion ng mga bata at isa ang namatay.
Sinabi pa ni Flores na ang counter-insurgency program ng gobyerno na Oplan Bayanihan ay tinatarget ang mga "progressive groups, civilians and worse, children."
Sinabi ng grupo na ang pagtaas ng bilang ng mga namamatay na bata dahil sa kaguluhan ay dapat isisi sa gobyerno. Anila, palpak ang pagpapatupad ng gobyerno ng mga batas upang maprotektahan ang mga bata tulad ng Anti Violence Against Women at Children law and Anti- Human Trafficking law.
"The inefficiency of the Aquino government to protect children accounts for rampant cases of crimes against children since 2012 such as kidnapping (56), abduction (11) and trafficking (103)," pahayag ng grupo.
- Latest
- Trending