Ina ng death row OFW sa Malaysia umapela kina PNoy, Binay
MANILA, Philippines - Umapela ang ina ng isang overseas Filipino Worker (OFW) kina Pangulong Benigno Aquino III at Bise Presidente Jejomar Binay na pigilan ang nakatakdang pagbitay sa kanyang anak na nakakulong ngayon sa Malaysia.
Hindi mapalagay si Teresita Quijano dahil nahatulan ng kamatayan sa kasong drug trafficking ang kanyang anak na si Jerry Quijano, na nagtungo sa Sabah upang magtrabaho bilang drayber at karpintero.
Ayon kay Quijano, nalaman niya ang hatol mula sa isa niyang kapitbahay kamakailan lamang.
Nabatid na nakakulong si Jerry sa Penjara Kapayan Jail sa Kota Kinabalu at hinatulang mabitay ng isang korte sa naturang lugar noong Setyembre 3, 2010 dahil sa tangkang pagpupuslit ng 759.52 gramo ng shabu sa Kota Kinabalo International Airport noong Abril 3, 2008.
Iniapela ni Jerry sa pamamagitan ng isang Malaysian public lawyer ang sentensya sa kanya sa Kota Kinabalu Federal Court, ngunit ibinasura ito noong Marso 30, 2012.
Ayon kay Quijano, lumapit na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) consular office sa lungsod ng Zamboanga upang humingi ng tulong, ngunit ito makapagbigay ng buong detalye hinggil sa petsa ng takdang pagbigay sa kanyang anak.
- Latest
- Trending