^

Balita Ngayon

Power crisis sa Mindanao pinangangambahang tumindi sa 2014

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang lungsod sa Mindanao ang maaaring tuluyang mawalan ng kuryente kung magpapatuloy ang kakulangan sa kuryente sa rehiyon, ayon sa isang mataas na opisyal ng Aboitiz Power ngayong Miyerkules.

“Over the years, the gap between demand and supply is worsening. By 2014, the gap is expected to reach 484 megawatts. What is the significance of this 484MW? It means, you are depriving power supply to five major cities in Mindanao. That’s how bad the power situation is,” pahayag ni Bobby Orig,  first vice president for Mindanao Affairs ng Aboitiz Power.

Tinutukoy ni Orig ang lungsod ng Davao, Butuan, General Santos, Cagayan de Oro at Zamboanga.

Sinabi pa ni Orig ba magpapatuloy ang problema sa rehiyon hanggang sa susunod na taon puwer na lamang kung may magtatayo ng coal plants na may big load power stations.

Sinabi naman ni Wilfredo Rodolfo na branding and communications manager for Mindanao ng kompanya na wala ng bagong power plants na ginagawa sa Mindanao.

“Since 2009, there are no new power plants being constructed. The hydro-power plants in Mindanao are aging and their capacities decline during summer months,” sabi ni Rodolfo.

Aniya hindi na sapat ang kanilang ginagawang mga paraan upang mapunan ang mga kakulangan.

Pero pagdating ng 2014 ay makakapagdagdag naman ng 14MW ang Tudaya hydropower project sa Sta. Cruz, Davao del Sur, habang sa 2015 pa matatapos ang coal-fired power generation facility ng Therma South Inc. sa lungsod ng Davao na makakapagbigay ng 300MW sa Mindanao.

ABOITIZ POWER

BOBBY ORIG

DAVAO

GENERAL SANTOS

MINDANAO

MINDANAO AFFAIRS

POWER

SINABI

THERMA SOUTH INC

WILFREDO RODOLFO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with