Datos para sa Tubbataha probe ipinasa ng US
MANILA, Philippines – Ibinigay na ng US Navy sa Pilipinas ang mga nakalap nitong mga impormasyon kasunod ng isinagawang pagsasaliksik sa pagsadsad ng USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong Lunes.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na natanggap na ng Philippine Maritime Casualty Investigating Team (MCIT) ang mga datos noong Abril 4 at iba pang materyales tulad ng Digital Navigation Charts.
Sinabi ni Gilberto Asuque, assistant secretary ng DFA, na mahalaga ang mga natanggap nilang dokumento upang makapagsagawa sila ng sariling imbestigasyon sa dahilan kung bakit sumadsad ang naturang US navy minesweeper.
"These maps and documents are important to our own independent invetsigation of what caused the grounding of the USS Guardian," pahayag ni Asuque. "Aside from determining what happened these materials will also help us identify measures that should be taken to prevent similar incidents."
Sumadsad ang USS Guardian sa mga bahura noong Enero 17, 2013 bandang 2:22 ng umaga at tumagal ng halos tatlong buwan bago ito natanggal.
Umabot 2,345.67 square meters ang mga nasirang bahura at kailangang mabagyad ng P58 milyon ang gobyerno ng Estados Unidos alinsunod sa Republic Act 10067 o ang “Tubbataha Reefs Natural Park Act of 2009.â€
Samantala, sinabi ng Malacañang na hindi sila maghahayin ng diploamtic protest dahil sa pagsadsad ng USS Guardian.
Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigal Valte, nakikipagtulungan naman ang Estados Unidos sa imbestigasyon at nangakong mangunguna sa rehabilitasyon ng mga bahura.
Marine park authorities initially estimated that the US would have to pay P58 million for damaging 2,345.67 square meters of coral reef in Tubbataha.
- Latest
- Trending