^

Balita Ngayon

Del Rosario: 'Pinas handang magtanggol sa sarili

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario ngayong Biyernes na nakahanda ang bansa na depensahan ang sarili mula sa sinumang mananakop.

Sinabi ito ni Del Rosario sa pagbubukas ng Balikatan 2013 joint military exercises kung saan isa siya sa mga guests of honor.

"The Philippine is investing in own defense at levels never before seen, but we understand clearly that we can increase the value of these investments through joint training and other agreed activities with our allies, and defend ourselves we will," pahayag ni Del Rosario sa opening ceremonies ng joint training.

Dumalo sa naturang seremonya ang mga kinatawan ng Estados Unidos, Australia, Cambodia, China, Indonesia, Japan, Malaysia, New Zealand, Papua New Guinea, Republic of Korea, Thailand at Vietnam.

Ayon kay Del Rosario, makakatulong ang Balikatan exercise upang makatipid sa gastusin sa pagsasanay at kagamitan at ang matitipid na pondo ay maaaring maidagdag sa ginagawang modernisasyon ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

"And this week I met with both [US] Secretary of the State John Kerry and Department of Defense Secretary Chuck Hagel in Washington and in all these discussions both side have reiterated their firm commitments as strategic partners and treaty allies," sabi ni Del Rosario.

Sinabi pa ng Foreign Affairs Secretary na nasa alanganing sitwasyon ang kapayapaan sa rehiyon dahil sa patuloy na pakikipag-agawan ng bansa sa West Philippine Sea.

Bukod sa seguridad, layunin din ng Balikatan 2013 na maihanda ang bansa sa mga kalamidad, dagdag ni Del Rosario.

"The United Nations has identified our region as the most prone to natural disasters. It is significant that there is again a strong humanitarian assistance and disaster response component to this year’s Balikatan," sabi ng kalihim ng DFA.

vuukle comment

BALIKATAN

DEL ROSARIO

ESTADOS UNIDOS

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT DEL ROSARIO

HUKBONG SANDATAHAN

NEW ZEALAND

PAPUA NEW GUINEA

REPUBLIC OF KOREA

SECRETARY OF THE STATE JOHN KERRY AND DEPARTMENT OF DEFENSE SECRETARY CHUCK HAGEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with