^

Balita Ngayon

Batas upang pigilan ang newborn blindness isinusulong sa Kongreso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ng mga mambabatas ang isang panukalang batas na naglalayong pigilan ang pagkabulag sa mga bagong panganak.

Ang House Bill 4075, na naglalayong mapigilan ang pagkabulag ng mga sanggol sa paggamit ng ocular prophylaxis, ay inaprubahan na sa huling pagbasa ng House of Representatives noon pang Pebrero 2011 at naipasa na sa Senado sa parehas na taon.

Sa ilalim ng panukala, kailangan patakan ng doktor na nagpanganak ang dalawang mata ng bata ng 1 porsiyentong tetracycline ophthalmic ointment o 0.5 porsiyento erythromycin ophthalmic ointment o 1 porsiyentong silver nitrate aqueous solution upang mapigil ang ophthalmia neonatorum na aprubado ng Department of Health.

Tinukoy ng panukala ang pag-aaral ng World Health Organization na nasa 1.5 milyong bata sa buong mundo ang nabubulag at 1 milyon dito ay mula sa Asya. Ang pagkabulag ng mga sanggol ay dahil sa tigdas, xerophthalmia, at paggamit ng traditional eye medicine.

"The main culprits are poor nutrition, like Vitamin A deficiency as the primary reason, measles, premature birth and another growing concern is ophthalmic infection in the neonatal period, most of which are acquired during vaginal delivery," pahayag ni Surigao del Sur Rep. Philip Pichay, may-akda ng panukala.

Dagdag pa ni Pichay na kung maipasa ang panukala ay kailangan ipagbigay ng mga health practitioner sa mga magulang at legal guardians ang benepisyo ng  ocular prophylaxis.

Ayon naman kina Reps. Bernadette Herrera-Dy ng Bagong Henerasyon party list at Alfredo Marañon III ng Negros Occidental maari namang tumanggi ang magulang na lagyan ng ocular prophylaxis ang sanggol ngunit kailangan nila itong isulat upang maging parte ng medical record ng bagong panganak na sanggol.

Sa ilalim ng panukala, kailangang imbestigahan ng local health officer ang kaso ng ophthalmia neonatorum at iulat ito sa DOH.

Maaatasan naman ang DOH na maglabas ng mga patalastas tungkol sa panukala, at kailangan silang magbigay ng impormasyon at payo sa mga healthcare practitioners tungkol sa tamang paggamit ng scientific prophylactic for ophthalmia neonatorum.

ALFREDO MARA

ANG HOUSE BILL

BAGONG HENERASYON

BERNADETTE HERRERA-DY

DEPARTMENT OF HEALTH

HOUSE OF REPRESENTATIVES

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIP PICHAY

SUR REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with