Magnitude 5.4 tumama sa Aurora
MANILA, Philippines – Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang probinsya ng Aurora ngayong Martes ng umaga ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Tumama ang lindol bandang 10:27 ng umaga sa 17 kilometro ng Baler, Aurora, na may lalim na limang kilometro.
Sinabi pa ng PHIVOLCS na naramdaman ang intensity 5 sa Baler, Aurora, habang intensity 4 naman sa Cabiao, Nueva Ecija.
Naranasan din ang intensity 3 sa Cauayan City, Isabela; Mandaluyong City; Quezon City; Taguig City; Pasay City; Antipolo City, habang intensity 2 sa Maynila, Malolos, Bulacan, Clemente Tarlac, at intensity 1 sa lungsod ng Makati.
- Latest
- Trending
















