Mosyon kontra status quo order sa RH law ibinasura
MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ngayong Martes ang petisyon ni dating Akbayan party-list Rep. Ana Theresia Hontiveros na tanggalin ang status quo ante order sa pagpapatupad ng Reproductive Health (RH) law.
"SC voting 10-4 denied the MR (motion for reconsideration) of Risa Hontiveros to lift the SQAO against the RH law," pahayag ni Theodore Te, hepe ng public information office ng Korte Suprema.
Sa kanyang petisyon, sinabi ni Hontiveros na dapat nang tanggalin ng Korte Suprema ang status quo ante order dahil mas malaki ang nadudulot nitong pinsala.
“Contrary to the allegation of the petitioners, it is the suspension of the implementation of RA 10354 that is likely to cause lasting and permanent harm to a vulnerable segment of our population: mothers and their children,†sabi ni Hontiveros sa kanyang 24 na pahinang mosyon.
Noong Marso 19 ay bumoto ang mga hukom sa 10-5 para ilabas ang status quo ante order na gagana sa loob ng 120 araw.
Sinabi ng isang miyembro ng hukom sa The Philippine Star na karamihan sa Korte Suprema ay nakita ang pangangailangan na maglabas ng kautusan “so as to prevent irreparable violations of constitutional rights raised in the petitions, especially if in the end these are established.â€
- Latest
- Trending