Mga tauhan ng DOTC sangkot sa pagtakas ng Korean
MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Martes na may kinalaman ang ilang tauhan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) sa pagtakas ng wanted na Korean national na si Park Sung-jung nitong Marso 18.
Ayon kay De Lima, napag-alamanan nila na sangkot ang ilang tauhan ng DOTC Transport Security Office sa footage ng close-circuit television cameras (CCTV) sa Ninoy Aquino International Airport.
"I already gave a heads up to DOTC Secretary Jun Abaya for the cooperation of the Office of Transport Security," pahayag ni De Lima sa mga mamamahayag sa isang ambush interview.
Base sa CCTV footage, kasabwat pa ng mga tauhan ng DOTC ang mga tauhan ng Bureau of Immigration, dagdag ng kalihim.
Inutusan na rin ni De Lima ang fact-finding team na tignan kung ano maaaring managot ang Bureau of Immigration (BI) sa pagbibigay ng working visa kay Park Sung-jung nitong Agosto kahit may nakalabas ng summary deportation warrant sa Koreano.
“Officials and personnel of the BI legal division will have to explain the circumstances behind this,†sabi ni De Lima.
Kinumpirma ni De Lima na pinaghahahanap si Park sa Seoul dahil sa $25 milyon na investment scam. Naglabas ng summary deportation order ang BI noong Hunyo 2012.
Bumili ng tiket si Park ilang oras bago ang kanyang flight at huling nag check in at nakasakay ng Philippine Airlines na may tatak ang boarding pass. Hindi rehistrado sa immigration database ang kanyang pag-alis bandang 1 ng umaga at nalaman lamang ito dahil sa kanyang flight manifest.
Inaresto ng mga awtoridad ng Korea sa Incheon International Airport sa Seoul si Park na umalis sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa investment scam.
- Latest
- Trending