8 pa kinasuhan sa Sabah standoff
MANILA, Philippines – Pito pang Pilipino at isang pulis ang kinasuhan sa Malaysia hinggil sa pagpasok ng royal army ng Sultanato ng Sulu sa Lahad Datu, Sabah nitong Pebrero 12.
Ayon sa Malaysian news agency na Bernama, pitong Pilipinong nasa edad 20 hanggang 63 ang kinasuhan sa isang makeshift court na hinahawakan ni Lahad Datu Sessions Court Judge Rajalingam a/l S.S. Maniam.
Ayon sa ulat, lima sa mga inaresto ay nahaharap sa two counts ng kasong “waging war against the DiPertuan Agong" sa ilalim ng Section 121 ng Penal Code ng Malaysia, na may katumbas na parusang kamatayan. Kinasuhan din sila ng two counts ng paglabag sa Section 130KA ng Penal Code ng Malaysia.
Ang isa naman sa mga kinasuhan ay sinampahan ng asuntong “recruiting terrorists†habang ang isa pa ay may kasong paglabag sa Section 130KA ng Penal Code.
Iniulat din ng Bernama na isang police corporal ang kinasuhan dahil sa hindi agarang pagbibigay ng impormasyon hinggil sa pagpasok ng mga tagasuporta ng sultanato sa Lahad Datu.
Nauna nang kinasuhan ang walo pang miyembro ng royal army ng sultanao nitong nakaraang buwan.
Ilang miyembro ng royal army ang namatay at naaresto sa mga opensibang isinagawa ng Malaysian security forces.
Tumungo ang mga tagasuporta ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III, sa pangunguna ng kanyang kapatid na si Raja Muda Agbimuddin Kiram, upang muling angkinin ang isla ng Sabah.
- Latest
- Trending