^

Balita Ngayon

Obispo minaliit ang SWS survey

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Minaliit ng isang Katolikong Obispo ngayong Martes ang resulta ng pinakabagong Social Weather Stations survey na nagpapakitang karamihan sa mahihirap ay “satisfied” sa kanilang pamumuhay.

Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz na wala pa siyang nakakausap na mahirap na kuntento sa kung anuman ang mayroon siya.

"Kapag 'yan ay talagang pinaniwalaan mo, langit na ang Pilipinas, pero sorry hanggang ngayon ay hindi pa langit, malayong malayo pa," pahayag ng pari sa Church-run Radyo Veritas.

Aniya, naka depende ang resulta ng survey sa bansa sa kung sino ang namumuhanan dito.

Dagdag pa ng Obispo na nawawala na ang kredebilidad ng mga poll firms sa bansa dahil sa mga taliwas na resulta sa tunay na nangyayari.

"Yung mga survey na 'yan, depende ang resulta n'yan kung sino ang nagpagawa, sino ang nagbayad at ano ang gustong palabasin, habang tumatagal nawawalan ng mabuting pangalan ang mga survey agencies, pagkat' yung mga kanilang conclusion, karaniwan hindi tugma sa realities, hindi tugma sa mga katotohanan," sabi ng Obispo.

Sa bagong labas na survey ng SWS, apat sa limang Pilipino sa class D at E o 81 porsyento ay kuntento sa kanilang pamumuhay.

vuukle comment

ANIYA

DAGDAG

KAPAG

KATOLIKONG OBISPO

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP

MINALIIT

OSCAR CRUZ

RADYO VERITAS

SOCIAL WEATHER STATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with