^

Balita Ngayon

Ex-PBA import Cornley nanapak ng pulis sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mula sa paghawak ng bola, rehas ang hawak-hawak ngayon ng dating Philippine Basketball Association (PBA) import matapos magwala at manapak ng pulis sa isang hotel sa Quezon City,

Ayon kay Superintendent Marcelino Pedroso ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10, nagwala si dating Rain or Shine import Jamelle Cornley sa Sir William's Hotel at nagreklamong tinangay ang kanyang P60,000 ng dalawang babaeng kasama niyang nag-checkin.

Dahil sa tuluy-tuloy na pagwawala, tumawag ng pulis ang pamunuan ng hotel.

Ayon kay Pedoroso, bigla na lamang sinapak ni Cornley si Police Officer Armando Lazatin habang tinatanong siya ng pulis at ng ka-buddy nito hinggil sa insidente.

Tumimbuwang sa Lazatin sa lakas ng pagkakasapak sa kanya ng datig PBA import. Pagbagsak ay tumama pa ang likurang bahagi ng pulis sa isang matigas na bagay kaya nawalan siya ng malay.

Isinugod na sa East Avenue Medical Center ang pulis.

Agad namang dinala ng rumespondeng mga pulis si Cornley sa Station 10 upang ikulong, kung saan tuloy pa rin ang ginawang pagwawala ng dating PBA import.

Kasong direct assault ang isasampa ng pulisya laban kay Cornley. Kakasuhan din siya ng pamunuan ng hotel dahil sa mga nasirang kagamitan nito.

AYON

CORNLEY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JAMELLE CORNLEY

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

POLICE OFFICER ARMANDO LAZATIN

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SIR WILLIAM

SUPERINTENDENT MARCELINO PEDROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with