^

Balita Ngayon

'Pataasan ng ihi' sa Cavite binatikos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ng child welfare advocacy group ngayong Biyernes ang lokal na opisyal ng probinsya ng Cavite dahil sa palaro na pataasan ng ihi ng mga bata.

Dismayado ang Akap Bata partylist sa ginawang palaro ng alkalde ng Ternate na si Lamberto Bambao at sinabing siya dapat mismo ang nangunguna sa pagpapatupad ng batas para sa kapakanan ng mga bata.
 
"We are expressing our dismay on supposed to be the leader of our people after seeing the video of a Cavite mayor leading an obscene contest 'pataaasan ng ihi' among (sic) two children. Mayor Lamberto Bambao should be the one ensuring the implementation of our law versus child exploitation and abuse," sabi ni Lean Flores, tagapagsalita ng grupo.
 
Binalaan din ni Flores ang alkalde na maaari itong managot sa kasong kriminal sa ilalim ng Republic Act 7610 o ang Act for the Protection Aganinst Child Abuse, Exploitation, and Discrimination.

Ayon sa RA 7610, maaaring makasuhan ang sinumang gagamit sa bata sa pagsasagawa ng ‘obscene and indecent show.’
 
Nanawagan din ang grupo sa mga tumatakbong pulitiko na isaalang-alang ang kapakanan ng mga bata sa bansa sa pagpapatupad ng mga batas upang maproteksyunan ang mga ito.
 
"We are reminding all the aspiring politicians from local to national position that as leaders of this nation, they should first and foremost uphold the interest and welfare of our children. Leaders should always be in the forefront of implementing our laws for protecting them,” sabi ni Flores.
 
Aniya, ang totoong pinuno ng bansa ay pinanganga-halagahan ang kapakanan ng mga bata.
 
"The leader who cares about the welfare and protection of our children is the true leader that values the future of the country," dagdag ni Flores.

AKAP BATA

ANIYA

AYON

CAVITE

LAMBERTO BAMBAO

LEAN FLORES

MAYOR LAMBERTO BAMBAO

PROTECTION AGANINST CHILD ABUSE

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with