^

Balita Ngayon

104 Pinoy galing Sabah nailigtas sa katubigan ng Sulu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Nailigtas ng mga awtoridad ang 104 Pilipinong lumikas mula sa Sabah matapos masira ang sinasakyang nilang bangka patungong Tawi-tawi.

Inanod ang nasirang bangkang na M/L Okey sa katubigan ng Sulu nitong Huwebes na sinasakyan ng mga nagsilikas na Pilipino, karamihan sa kanila ay mga bata.

Kaagad dinala ng mga rumespondeng awtoridad ang mga evacuees sa pantalan sa Sulu gamit ang patrol craft ng Philippine Coast Guard. Hinatak din nito ang nasirang barko.

Ayon sa ulat na dumating sa executive department ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), nabigyan na ng panlalawigang gobyerno ng Sulu ang mga evacuees ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, at tubig.

Napag-alamanan ng mga lokal na opisyal ang pagkakasira ng M/L Okey mula sa mga mangingisdang Tausog.

Mahigit 3,000 Pilipino na ang lumikas mula sa Sabah dahil sa patuloy na pagtugis ng awtoridad ng Malaysia sa mga miyembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu.

AUTONOMOUS REGION

AYON

HINATAK

HUWEBES

L OKEY

MUSLIM MINDANAO

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINO

SABAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with