P3M halaga ng 'hot' onions nasabat a Navotas

MANILA, Philippines – Libu-libong imported na sibuyas na aabot sa P3 milyon ang halaga ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa lungsod ng Navotas.

Iniharap nina Customs Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Commissioner for Intelligence Group Danilo Lim ang mga nakumpiskang 5,000 supot ng sibuyas na nakuha ng Customs  Intelligence and Investigation Service (CIIS) at mga tauhan ng Intelligence Division  (ID) sa Marcelo Cold Storage sa North Bay, Navotas City.

Nasabat ang mga sibuyas dahil sa Letter of Authority na inilabas ni Biazon nitong Marso 18, 2013, at Warrant at Seizure Order kasunod ang kanilang pagmamanman sa imbakan.

“The operators of the Marcelo Cold Storage could not show import documents or proof of payment for the duties and taxes on the imported onions stored in its cold storage. So we had to seize the illegally imported onions to avoid its getting into the local market,” pahayag ni Biazon.

Sinisisi ng mga lokal na manananim ang mga smuggled at imported na sibuyas sa kanilang pagkalugi.

Hinahayaan naman ng Department of Agriculture ang pag-aangkat ng sibuyas pero tuwing mahina lamang ang produksyon nito sa ating bansa upang tangkilikin pa rin ng mga Pilipino ang mga lokal na sibuyas at upang makontrol ang preso sa merkado.

Sinabi ni Biazon na patuloy nilang tutugisin ang mga ilegal na pag-aangkat lalo na ng mga produktong agrikulutra at sinabi ng BOC commissioner na hindi sila papatinag sa mga nasa likod ng ilegal na gawain.

“We are very much concerned on the interest of the local farmers. This is the reason why we maintain a zero tolerance policy for agricultural products smuggling. We will seize all illegally imported products, particularly agricultural, no matter who are the people behind it and no matter where these illegally imported agricultural products are,” matapang na pahayag ni Biazon said.

Show comments