Presyo ng bigas sa Sulu patuloy ang pagtaas
MANILA, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng halaga ng bigas sa Sulu dahil sa kakulangan ng supply na epekto ng nangyaring kaguluhan sa Sabah.
Sinabi ni Sulu 1st District Rep. Tupay Loong na pababa ng pababa ang supply ng bigas sa probinsya kaya naman nagtataasan ang halaga nito sa merkado.
Nakadepende ng 80 porsyento ang supply ng bigas ng Sulu sa Sabah, kung saan natigil ang pagdating ng mga ito sa bansa dahil sa patuloy na operasyon ng awtoridad ng Malaysia sa pagtugis sa mga nalalabing miyembro ng royal army ng Sultanato ng Sulu na si Jamalul Kiram III.
Umapela ang kongresista sa gobyerno na taasaan ang supply ng bigas sa kanilang probinsya na apektado rin ng kaguluhan sa Sabah na hanggang ngayon ay may gusot pa.
Nagtaasan na rin ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa Tawi-tawi kabilang ang gasoline at diesel matapos matigil ang palitan ng mga produkto mula Sabah.
- Latest
- Trending