Protesta ng mga estudyante sa UP Manila tuloy
MANILA, Philippines – Patuloy pa rin ang protesta ng mga estudyante ng University of the Philippines-Manila para kay behavioral science Kristel Tejada na nagpakamatay dahil sa sama nang loob matapos mabigong makapagbayad ng matrikula.
Halos 30 estudyante ng UP-Manila ang nag-walk out sa kanilang mga klase at tumungo sa compound ng Philippine General Hospital at sinubukang pumasok sa administration office.
Gusto ng mga estudyante na magkaroon ng dayalogo sa mga opisyal ng unibersidad hinggil sa patakarang ipinapatupad para sa pagbabayad ng matriukula at student loan.
Sinabi ng mga estudyante na imbes na makipagpulong sa mga piling mag-aaral, dapat ay ilahad ng pamunuan ng UP-Manila ang usapin sa lahat ng mga estudyante.
Nitong Lunes, na dineklarang araw ng pagluluksa para kay Tejada, nagsuot ng itim na damit ang mga estudyante at guro para sa behavioral science student na si Tejada.
Uminom ng silver cleaning solution sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Manila ang 16-anyos na si Tejada.
Nanawagan ang mga nagpuprotestang estudyante kahapon na para sa pagbibitiw sa puwesto ni UP-Manila Chancellor Manuel Agulto dahil sa pagpapakamatay ni Tejada.
Sa ginawang press conference, nagpaliwanag si Agulto sa nangyari at sinabing sumunod lamang sila sa patakaran ng paaralan.
Halos maiyak si Agulto habang ipinagtatanggol ang pamunuan ng UP-Manila sa mga paratang na sila ay “cold-hearted.â€
Habang nagpapaliwanag si Agulto sa mga mamamahayag, sinabayan naman ito ng protesta ng mga estudyante sa labas ng administration building sa Quezon Hall ng UP Diliman.
- Latest
- Trending