^

Balita Ngayon

BIR kinapos sa target para sa Pebrero

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  - Hindi naabot ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang target nitong koleksyon para sa buwan ng Pebrero, ayon sa pahayag ng kawanihan nitong Martes.

Sinabi ng BIR umabot sa P74.52 bilyon ang koleksyon nito para sa buwan ng Pebrero, mas mataas ng P5.82 bilyon o 8.48 porsyento kumpara sa nakuha ng kawanihan sa parehong buwan noong 2012. Gayunman, mas mababa pa rin ito ng 3.37 porsyento sa target na P77.12 bilyon.

"For February 2013, collections from BIR operations amounted to P72.42 billion, P11.06 billion or 18.03 percent more than collections made in February 2012 of P1.22 billion or 1.65-percent less than the goal set for BIR operations for February 2013 of P73.64 billion," anang BIR.

Umabot lamang sa P2.1 bilyon ang nalikom mula sa mga non-BIR operations na mas mababa ng 71.39 porsyento kumpara sa nakolekta noong Pebrero 2012.

Mas mataas naman ng 21.17 porsyento o P4.74 bilyon ang nakolekta ng regional offices na umabot sa P27.13 bilyon kumpara noong Pebrero 2012. Patuloy pa rin naman ang takbo ng double-digit na pag-angat ng mga regional offices.

Humataw naman sa P45.29 bilyon ang nalikom mula sa Large Taxpayer Service.

BILYON

BIR

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

FOR FEBRUARY

GAYUNMAN

HUMATAW

LARGE TAXPAYER SERVICE

PATULOY

PEBRERO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with