^

Balita Ngayon

9 patay sa aksidente sa Maguindanao

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siyam katao ang patay matapos sumalpok ang sinasakyan nilang pampasaherong van sa isang trak sa Parang, Maguindanao nitong Linggo ng hapon.

Sinabi ni Mayor Ibrahim Ibay, chairman ng Parang municipal disaster risk management and mitigation council, tinatahak ng dalawang sasakyan ang kurbadang bahagi ng Secretary Narciso Ramos Highway nang mangyari ang aksidente.

Patungong lungsod ng Pagadian ang van na may plakang MEE 797, habang ang dump truck ay patungo namang Sultan Kudarat, dagdag ni Ibay.

Nakilala ang apat sa siyam na nasawi na sina Virginia Sinarillos, Mike Mokkamad, Nurhaya Baliodong at Jovergen Sinarillos.

Ayon kay Ibay, dalawa sa mga biktima ay patay na nang mahugot mula sa pampasaherong van habang ang iba ay namatay habang isinusugod sa ospital.

Sinabi ni Senior Superintendent Rodelio Jocson, provincial director ng Maguindanao police, namatay ang mga biktima dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan.

Sugatan naman sa aksidente sina Tony Tabanso, Tommy Bagsi, Sherwin Padasil, Mary Joy Taha, Papajia Gio, Layson Salvacion, Mohaiden Salik, Faith Traya, Mario Jiamra, Nor Lu-awan, Manny Tabanan, Joan Sinarillos, Rowena Herojala, Grace Hinabi,  Sherlyn Naraño at dalawa nitong anak.

Ito na ang ikalawang aksidente sa Central Mindanao ngayong Buwan.

Siyam din na buhay ang nawala nang maaksidente ang isa pang pampasaherong van patungong Pikit, North Cotabato, tatlong linggo na ang nakakalipas.

Sumalpok ang van, na may sakay na mga nursing students na patungo sa isang public health nursing exposure, sa dyip sa kurbadang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Takepan bago ito tumama sa isang Army truck.

Dahil sa dalawang aksidente ay naaalarma na ang mga lokal na opisyal ng Central Mindanao, kaya naman nananawagan n sila sa mga awtoridad na magpatupad ng mga bagong patakaran upang maiwasang may maganap pang panibagong trahedya.

Nanawagan din ang ilang grupo sa mga operator ng van na ipasailalim sa drug test at ipatingin ang mata ng mga drayber upang malamang kung nasa kondisyon sila para magmaneho ng mga pampasaherong van.

BARANGAY TAKEPAN

CENTRAL MINDANAO

COTABATO-DAVAO HIGHWAY

FAITH TRAYA

GRACE HINABI

IBAY

JOAN SINARILLOS

JOVERGEN SINARILLOS

LAYSON SALVACION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with