Fil-Am chef wagi sa US tv cooking contest
MANILA, Philippines – Wagi ang isang Filipino-American chef sa isang cooking contest sa Amerika.
Naibulsa ni Khristianne Uy, anak ng isang kapitan ng pulis dito sa Pilipinas, ang top prize sa bagong cooking contest ng American Broadcasting Company na “The Taste.â€
Dinaig ni Uy ang tatlo pang contestants na sina Sarah Schiear, Diane DiMeo at Gregg Drusinsky upang maiuwi ang $100,000 o mahigit na P4 milyon at isang bagong sasakyan.
Hindi basta-bastang chef si Uy, na naka-base na sa Los Angeles, dahil siya ang personal chef ng aktor na si Charlie Sheen.
Bago siya magtrabaho para kay Sheen, pinagsilbihan niya muna ang American Idol creator na si Simon Fuller, tanyag na direktor na si James Cameron, at ang royal family ng Saudi Arabia.
- Latest
- Trending