34 barkong pandigma ng Navy pinakalat sa 'Basulta'
MANILA, Philippines – Pinaigting pa ng Philippine Navy ang pagbabantay sa karagatan sa paligid ng Tawi-Tawi at mga karatig na probinsya upang matiyak na hindi makakapuslit papuntang Sabah angmga tagasuporta ng Sultanato ng Sulu.
Mula sa bilang na 24, umaabot na sa 34 na mga barkong pandigma ang naipapakalat ng Philippine Navy s Basilan, Sulu at Tawi-Tawi o Basulta area.
Tiniyak naman ni Navy spokesman Lt. Cmdr. Gregory Fabic ngayong Huwebes na may sapat pa ring bilang ng mga barko ang kanilang hukbo upang bantayan ang seguridad ng buong bansa.
"We have more than enough vessels to cover the country," ani Fabic.
Nitong Miyerkules lamang, nakasabat ang mga tauhan ng Philippine Navy ng 35 na mga tagasuporta ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III na sakay ng dalawang bangka. Patungo sana ang mga tagasuporta ng sultanato na may bitbit pang mga armas.
Samantala, sinabi ni Fabic na bukod sa security patrol operations ay tumutulong din ang naturang barko sa paglilikas ng mga Pilipinong residente ng Sabah patungong Tawi-Tawi.
Libu-libong nang Pilipino na nakatira sa Sabah ang bumalik sa Tawi-tawi mula nang magsimula ang kaguluhan sa Sabah, partikular sa Lahad Datu, kung saan tinutugis ngayon ang mga armadong miyembro ng royal army ng sultanato na pinangunganahan ni Raja Muda Agbimuddin Kiram.
- Latest
- Trending