Bise-alkalde patay sa aksidente sa Agusan del Sur
MANILA, Philippines – Patay ang isang bise-alkalde sa Agusan del Sur matapos mahulog sa malalim na kanal ang kanyang sasakyan ngayong Miyerkules, ayon sa pulisya.
Sinabi ng pulis na nawalan ng kontrol ang Ford Everest (SGF-554) na minamaneho ni Trento Vice Mayor Ron Agocpra,51, habang binabagtas nito ang parte ng highway sa Purok 4, Barangay 4 sa bayan ng Prosperidad bandang 1:30 ng umaga.
Base sa ulat, nasa palikong bahagi ng highway ang sasakyan ni Agocpra nang mawalan ng kontrol bago mapunta sa kabilang lane at mahulog sa kanal.
Sumalpok din ang sasakyan sa sementong flowerbox sa gilid ng kalsada, dagdag ng pulisya.
Namatay si Agocpra habang ginagamot sa Plaza Memorial Hospital.
- Latest
- Trending