^

Balita Ngayon

Lanto tumangging umupo bilang Comelec commissioner

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggihan ni dating Lanao del Sur congressman Macabangkit Lanto ang puwesto sa Commission on Elections (Comelec) na ibinigay sa kanya ni Pangulong Benigno Aquno III.

Hindi tinanggap ng dating kongresista ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Benignog Aquino III bilang commissioner ng Comelec dahil sa “delicadeza.”

Pinangalanan ni Aquino bilang bagong commissioner si Lanto kahit na may kaso ang dating kongresista sa Comelec kaugnay sa umano'y dayaan na naganap sa halalan sa Lanao del Sur noong taong 2007.

Si Lanto ay manok umano ni Sen. Franklin Drilon, campaign manager ng Liberal Party.

Nauna nang hinimok ng United Nationalists Alliance na imbestigahan ng Malakanyang ang ulat na may kasong kinakaharap si Lanto sa Comelec.

Nauna na ring tinanggihan ni election lawyer Bernadette Sardillo ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Aquino bilang commissioner ng Comelec.

Nitong Marso 7 inihayag ni Aquino ang pagpili niya kay Lanto dahil sa umano'y pagkakaroon nito ng "independent mind." Anang Pangulong Aquino, nagustuhan naman niya ang ginawang pagtatanggol ni Sardillo sa karapatan ng mga botante noong nakaraang halalan.

Papalitan sana ng dalawa ang mga nagretirong sina dating Comelec Commissioner Rene Sarmiento at Armando Velasco.

ANANG PANGULONG AQUINO

AQUINO

ARMANDO VELASCO

BERNADETTE SARDILLO

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER RENE SARMIENTO

LANAO

LANTO

LIBERAL PARTY

MACABANGKIT LANTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with