^

Balita Ngayon

Grupo hinimok ang Phl at Malaysia na tugunan ang panawagan ng UN

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag ng dalawang aktibistang grupo ngayong Biyernes ang kanilang pagsuporta sa panawagan ni United Nations (UN) Secretary General Ban Ki-moon na idaanan sa mapayapang pag-uusap ang kasalukuyang kaguluhan sa Sabah sa pagitan ng awtoridad ng Malaysia at Royal Army ng Sultanato ng Sulu.

Sinabi ng Anakpawis partylist at Pamalakaya na dapat ay pilitin ng international communities, kabilang ang UN, sina Malaysian Prime Minister Najib Razak at President Benigno Aquino III na magtulungan upang idaan sa mapayapang pag-uusap ang gusot sa Sabah.

"The Prime Minister of Malaysia and the Manila government should heed to the appeal of UN Secretary general and quit from joint and separately ganging up the forces and personnel of the Royal Sultanate of Sulu in Sabah and in the country," pahayag ng dalawang grupo.

Nitong Huwebes ay  hinimok ng UN ang dalawang kampo na magpadala ng humanitarian assistance at galangin ang karapatan pantao ng bawat isa.

Sinabi ng grupo na tanging ang Sultanato ng Sulu lamang ang tumugon sa panawagan ng UN nang magdeklara ito ng unilateral ceasefire.

Pero hindi ito kinagat ng prime minister ng Malaysia bagkus ay hiningi nito ang pagsuko ng mga tauhan ni Kiram.

"It is now the turn of Prime Minister Razak and President Aquino to reciprocate the politically and morally correct gesture of the Royal Sultanate. The leaders of Malaysia and the Manila government should drop their obsession for senseless war and grave violations of human rights and come to their senses to avert the ongoing humanitarian crisis in Sabah," dagdag ng grupo.

MALAYSIA AND THE MANILA

MALAYSIAN PRIME MINISTER NAJIB RAZAK

NITONG HUWEBES

PRESIDENT BENIGNO AQUINO

PRIME MINISTER OF MALAYSIA AND THE MANILA

PRIME MINISTER RAZAK AND PRESIDENT AQUINO

ROYAL ARMY

ROYAL SULTANATE

ROYAL SULTANATE OF SULU

SABAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with