^

Balita Ngayon

Posisyon ng Malakanyang sa gulo sa Sabah binatikos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binatikos ng isang grupo ngayong Martes ang pamahalaan dahil sa aksyon nito sa kaguluhan sa Sabah.

Sinabi ng abogadong si Harry Roque ng Concerned Citizens Movement, imbes na kumampi sa Malaysia at manawagan na hindi maiiwasan ang kaguluhan sa Sabah, dapat ay isaalang-alang ng gobyerno ang karapatang pantao ng mga miyembro ng royal army.

Hindi rin ikinatuwa ni Roque ang panawagan ni Pangulong Aquino na dapat nang umuwi ang mga tauhan ni Kiram mula Sabah kasabay ng pananakot na malamang maharap sila sa kasong kriminal.

"Instead of taking steps to espouse the human rights of our fellowmen in Sabah, they have openly sided with Malaysian authorities and have all but warned them that their massacre is inevitable. Worse, government appeared to have ordered them to return so that they can be prosecuted criminally in the Philippines for rebellion and other crimes," pahayag ni Roque.

Samantala, pinasisiguro rin ng kanilang grupo sa gobyerno na na hindi dapat maatapakan ng puwersa ng Malaysia ang karapatang pantao ng royal army.

“In connection with the current stand-off in Sabah, this should mean that the primary obligation of the Philippine government is to ensure the safety of the 200 or so followers of the Sultanate of Sulu, as well as to ensure that Malaysia should comply with its duty to protect and promote their human rights which should include the right to life, and the right to due process of law," sabi ng abogado.

Ayon kay Roque, dapat ay isaalang-alang din ng gobyerno ang kaligtasan ng mga Pilipinong naiipit sa kaguluhan sa Sabah.

"Here, the duty of the state is to ensure that states treat their nationals abroad in a manner that complies with human standards recognized under the International Covenant on Civil and Political rights, among others documents,” sabi ni Roque.

AYON

BINATIKOS

CIVIL AND POLITICAL

CONCERNED CITIZENS MOVEMENT

HARRY ROQUE

INTERNATIONAL COVENANT

KIRAM

PANGULONG AQUINO

SABAH

SULTANATE OF SULU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with