^

Balita Ngayon

'No home birthing policy' ng DOH tinutulan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinututulan ng isang non-government organization ngayong Lunes ang "no home birthing policy" ng Department of Health (DOH) upang mabawasan ang dumaraming bilang ng maternal at infant deaths sa bansa.

Ayon sa Council for Health Development, ang lumalagong bilang ng mga namamatay dahil sa panganganak ay dahil sa hindi ito nababantayan ng mga skilled health professionals.

Pero sinabi ni Grace Cuasay, rehistradong midwife at direktor ng Health, Education, Training and Services department ng Council for Health Development, lalo lamang tataas ang bilang ng mga kaso ng maternal at neonatal mortality dahil sa naturang polisiya.

Sinabi ni Cuasay na sa "no home birthing policy," lalo lamang mahihirapan ang mga buntis na nakatira sa mga liblib na lugar dahil malalayo at kakaunti ang mga pampublikong panganakan.

"In Nueva Ecija, a woman about to give birth walked and crossed a river to the get to the nearest birthing facility.  She and her child died before reaching the nearest birthing station.  In Iloilo, a Basic Emergency Obstetric Care facility serves 45 barangays and pregnant women have to travel three days to reach this birthing station," ani Cuasay.

Sa ilalim ng patakaran, lahat ng buntis ay dapat manganak lamang sa mga ospital at mga lying-in centers at ipinagbabawal na ang mga komadrona na magpaanak sa mga bahay.

Hinihimok naman ng DOH ang mga nars at komadrona na magtayo ng mga lying-in centers.

Sinabi pa ni Cuasay na upang matugunan ang problema, dapat ay aminin muna ng gobyerno na hindi ang panganganak sa bahay ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang kaso ng maternal mortality.

Aniya, dapat ay maglaan ang gobyerno ng mas maraming doktor, nars, at komadrona sa mga liblib na lugar at tugunan ang mungkahi ng World Health Organization na abutin ang ratio na isang komadrona para sa bawat 500 katao at ituring na katuwang ng public health workers ang mga "hilot" at bigyan sila ng mga pagsasanay ng gobyerno.

Sa datos ng CHD, mayroon lamang 17,000 na health stations sa kabuuang 41,000 na barangay sa bansa at kadalasan ay kulang ang mga ito sa kagamitin, gamot at tauhan.

Mayroon lamang isang komadrona na nagseserbisyo sa tatlo hanggang limang baranggay o isang komadrona para sa sa 6,758 katao.

Iniulat ng DOH na umakyat ang bilang ng maternal mortality rate sa bansa sa 221 sa kada 100,000 pangangak noong 2012 mula sa 162 noong 2009.

BASIC EMERGENCY OBSTETRIC CARE

CUASAY

DEPARTMENT OF HEALTH

GRACE CUASAY

HEALTH

HEALTH DEVELOPMENT

IN ILOILO

IN NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with