^

Balita Ngayon

12 'epal' na politiko minamanmanan ng DSWD

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labindalawang pulitiko ang minamanmanan ng regional social welfare office sa Western Visayas dahil sa umano'y pananamantala sa mga programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Beverly Salazar, monitoring and evaluation officer ng DSWD-6, may mga nagsumbong na mga benipesyaryo ng Pantawid Pamilya program na may mga pulitkong pumapapel at inaangkin ang pagpapatupad ng programa.

Ayon kay Salazar, ang mga nagsumbong na benipesyaryo ng programa ay mula sa mga probinsya ng Iloilo, Aklan, Capiz, Negros Occidental at Guimaras.

Tumanggi naman ang opisyal na ibigay ang mga pangalan ng mga pulitko dahil baka umano maapektuhan ang kanilang pagmamanman.

Sinabi pa ni Salazar hawak na nila na ang mga orihinal na kopya ng mga liham mula sa 12 pulitiko, kung saan sinasabi nilang hindi maipapatupad ang Pantawid Pamilya program sa kanilang mga lugar kung hindi dahil sa kanilang inisyatibo.

“This is really a big no. Politicians are not allowed to claim credit for the program, even during the cash distribution so that they will not use the activity for their politicking,” pahayag ni Salazar.

Aniya, ang documentation report sa pagmamanman sa 12 pulitiko ay ipapadala sa main office ng DWSD sa Maynila at idi-diretso sa Commission on Elections at Department of Interior and Local Government.

AKLAN

BEVERLY SALAZAR

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

NEGROS OCCIDENTAL

PANTAWID PAMILYA

SALAZAR

SINABI

WESTERN VISAYAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with